Mabel Sunga Acosta

Thursday, May 14, 2009

Ano ang Brigada sa Eskwela?


Ang Brigada Eskwela na orihinal na pinasimulan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay ang boluntaryong pagpupunyagi nang pinagsama-samang pagtutulungan ng mga guro, magulang, komunidad at iba pang organisasyon upang linisin at isaayos ang kani-kanilang paaralan para sa pagsisimula ng pasukan. Ang tampok na kontribusyon sa simulaing ito ay ang pagkakaloob ng kanilang puso at panahon alang-alang sa diwa ng pakikiisa na siyang tatak ng pagiging isang tunay na Pilipino.


Ito ay isang malawakang adhikain na laganap sa buong bansa na humihikayat sa mga boluntaryo upang magkaloob ng mga materiyales na gagamitin sa pagbubuo at pagtatayo ng mga sirang bahagi ng paaralan kagaya ng kahoy, semento, at pintura. Sa unang linggo ng simulain, ang mga boluntaryo ay nagsasagawa ng tungkulin na ihanda ang mga eskwela bago magsimula ang pagbabalik sa eskwela ng mga mag-aaral. Mga simpleng pagkukumpuni ng mga upuan at lamesa, pagpipinta, pagsasaayos ng mga sirang bintana, pintuan, at gripo, sa pakikipagtulungan ng ibat ibang organisasyon at korporasyon. Anupat isang tunay na bayanihan ang kaluluwa ng adhikaing ito.

Source: Wiki Filipino

No comments: