Ang mga layunin ng pagdiriwang para sa taong kasalukuyan ay ang mga sumusunod:
- Pahalagahan ang wikang Filipino bilang pambansang wika;
- Itampok ang kahalagahan ng wikang Filipino para s pambansang identidad ng wika at kultura;
- Itaguyod ang wikang Filipino bilang midyum ng komunikasyon;
- Gamitin ang Filipino bilang wikang panturo sa wika at panitikan;
- Gamitin ang wikang Filipino sa talakayang Kultura; at
- Pagpapahalaga sa Wikang Filipino bilang epektibong wika para sa katatagang pangkabuhayan ng sambayanang Pilipino.
Para sa isang buwang pagdiriwang, ang sumusunod na paksa ay hinati-hati sa bawat lingo ng Agosto ay:
- Agosto 1-7 = Ang Wikang Filipino: Mahalagang Kasangkapan sa Pagpapamalas ng Kagitingan , Kagalingan at Kasipagan para sa Kalayaan
- Agosto 8-15 = Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Identidad
- Agosto 16-22 = Wikang Filipino: Instrumento sa Mabisang Komunikasyon at Panturo sa Wika at Panitikan
- Agosto 23-31 = Wikang Filipino: Mula Baler Hanggang Batanes at Tawi-Tawi
Maaari rin kayong dumulog sa website ng KWF sa www.kwf.gov.ph para sa iba pang karagdagang impormasyon.
Kaugnay nito, inaatasan ko rin ang lahat ng Direktor Panrehiyon ng DILG na dagliang ipalaganap ang direktibong ito sa kani-kanilang nasasakupan.
3 comments:
maam unsaon diay ni xa wa gud koy makitan sa internet about ani lisod kaayo sabtun =]
hi....kung duna kay pangutana bahin niini, palihug email sa amoa sa mabelacosta.citycouncil@gmail.com. among paningkamutan nga makahatag og saktong tubag kutob sa among makaya...salamat!
(",)
pwede po ba malaman ang tema ng buwan ng wika ngayong taon 2010? salamat po :)
Post a Comment