Mabel Sunga Acosta

Sunday, March 21, 2010

Tulungan natin sila!

Marami na naman sa atin ang nainis at nadismaya sa desisyon ng Korte Suprema na hayaan na lamang si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na siyang pumili ng susunod na punong hukom sa pinakamataas na hukuman sa ating bayan. Marahil ang ating pagkainis ay ga ling na rin sa ating kawalan ng tiwala kay Pangulong Arroyo kung kaya’t iniisip nating lahat na marahil itong hindi katanggap-tanggap na desisyon ay parte lamang ng isang mas malaking plano kung saan patuloy pa rin ang pamumuno ni Pangulong Arroyo kahit matapos na ang kanyang termino sa Hunyo ng kasalukuyang taon. Marami sa atin ang gusto nang matapos ang pa nunungkulan ni Arroyo dahil na rin sa dami ng mga kalokohan at pagnanakaw na nangyari sa administrasyong ito kagaya ng NBN-ZTE Scam, Ferti lizer Scam at Textbook Scam. Ngunit tandaan natin na hindi lamang si Arroyo ang dapat sisihin sa paghihirap na nararanasan nating lahat dahil sa korapsyon na pa tuloy na lu malago sa ating gobyerno dahil may mga naging kasama rin siya sa Kongreso na nagbigay suporta, tumulong at nakinabang na rin sa kanya.

Ilan sa mga kongresistang ito ang makakalaban ng aming mga kasama han sa Kaya Natin! Movement for Good Governance tulad ni Jess Lorenzo ng Nueva Ecija na siyang lalaban kay Rep. Rodolfo Antonino na kilalang malapit na kakampi ni Arroyo sa Kongreso. Si Antonino ang kasama ni Rep. Matt Defensor ng Quezon City na siyang nagtutulak sa tinatawag nating Charter Change o Cha-Cha upang mapalawig pa ang termino ni Pangulong Arroyo. Si Antonino rin ay isa sa mga kongresistang patuloy na humahadlang tuwing ihahain ng oposis yon ang Impeachment laban kay Arroyo kaya naman hanggang ngayon hindi pa rin natin malaman ang katotohanan sa mga samu’t saring kontrobersya na kinasangkutan ni Arroyo. Kaya naman dapat nating suporta han si Lorenzo sapagkat sa ilang taon niyang pagbibigay serbisyo sa mga taga-San Isidro, Nueva Ecija nakita natin ang pagsasaayos ng buhay ng mga tao roon. Kapag ikaw ay may sakit sa kanilang lugar, libre ang konsulta sa doktor at libre ring ibinibigay ang gamot na iyong kailangan. Marami ring nadalang pribadong grupo at foundation si Lorenzo sa kanilang lugar tulad ng Gawad Kalinga at Ateneo de Manila University na tumutulong sa kanilang pabahay at pagpapaganda ng ka lidad ng edukasyon. Hindi pa man nasa puwesto si Lorenzo marami na siyang natulungan, kaya sigurado akong pagnahalal siya bilang kongresista, aasenso ang lalawigan ng Nueva Ecija.


Isa pang kasama han namin sa Kaya Natin! ay si Konsehala Mabel Su nga-Acosta ng Davao City na noong isang linggo lamang ay naparangalan bilang isa sa mga pinakamagaga ling na konsehal sa buong Pilipinas. Sa nakaraang ilang halalan, si Acosta ang laging nakakakuha ng pinakamaraming boto kumpara sa mga iba pang konsehal sa Davao. Dito ipinapa kita na talagang buo ang tiwala ng kanyang mga kababayan sa kanya dahil na rin sa dami ng mga programang nai lunsad niya patungkol na rin sa edukasyon, kalusugan at pagbibigay ng trabaho sa mga kababaihan. Makakalaban ni Acosta sa pagka-kongresista ng Davao City ang anak ni Speaker Prospero Nograles na alam naman nating lahat na ta­lagang malapit na kakampi rin ni Arroyo at siya ring patuloy na humaharang sa kahit anong imbestigasyon patungkol sa mga iskandalo kinasasangkutan ni Arroyo. Hindi ba’t si Nograles din ang isa sa mga nagtutulak na baguhin ang Saligang Batas para manatili pa sa puwesto si Arroyo?

Ngayong malapit na ang halalan, papayag ba tayong mga tiwali at kurakot na naman ang maging mga pinuno natin? Hindi pa ba tayo nagsasawa sa ganitong kalagayan sa ating bayan na iilan lamang ang umaangat habang ang karamihan ay patuloy na naghihirap? Kung ayaw na natin ng ganito, tulungan natin ang mararangal at matitinong mga kandidato tulad nina Jess Lorenzo at Konsehala Mabel Sunga-Acosta. Sila ang lumalaban para sa tapat, matuwid at maayos na gobyernong magbibigay ng tamang serbisyo para sa bawat Pilipino.

Sa mga nais tumulong sa kanila, mag-text sa 0919-9575444.

By: Mayor Jesse Robredo, Naga City

Source: Abanteonline

No comments: