Boy Abunda: Ano ba ang tama, Moro o Muslim?
Djalia-Turabin Hataman: Parehong tama, ang Muslim refers to the followers of Islam-- yung faith ang pinag-uusapan natin ang Moro pertains to the political and cultural identity of the people.
[BA: So yung isa may faith, yung isa naman political.]
BA: Sino ang Filipino Moro?
DTH: Technically we define it.. . Moro consists of 13 ethno-linguistic tribes, dyan siguro naririnig natin ang Tausug, Maranao, Maguindanao, Yakan etc. bale 13 po yan lahat and these are the group of people na pinaniniwalaan na hindi na colonize mula pa sa panahon ng Kastila hanggang sa Amerikano pero dahil nga sa naging parte na rin ng aming homeland ang Pilipinas so we also consider ourselves as Filipinos.
BA: Interesado ako doon, bago dumating ang Kastila, sino kayo? At paano kayo naging bahagi ng Pilipinas?
DTH: Ako, bilang isang Tausug I can speak for the Sulu Sultanate which is said to be established as early as 1405. Mayroon po kaming sariling paraan ng pamamahala, meron kaming sariling sibilisasyon wala pa noong Pilipinas at we entered into treaties with other countries as early as the 1500s.
BA: So you were a sovereign state?
DTH: Nation, yes.
Kung paano kami naging bahagi ng Pilipinas base sa kasaysayan na alam namin na “The Bangsamoro Narrative”. Nung binenta ng mga Kastila ang Pilipinas sa mga Amerikano sa … treaty kahit hindi nila sinakop ang aming homeland ay ipinasok nila ito but the Americans were very much aware na hindi po kami bahagi ng Pilipinas. So, ang ginawa po ng mga Amerikano maliban sa pakikipaglaban, digman ay nag introduce sila ng ibang paraan ng pananakop economically. Inintroduce nila ang konsepto ng American democracy so unti unti ho slowly [ninanakop]. Nung 1935 Constitution meron po sa ibang Moro leaders, meron silang sinubmit na paper asking na kung pwede ang Pilipinas ay ma-retain as part of America and then after 50 years tsaka po tayo magkaroon ng plebisito kung gusto ba ng mga Moro maging bahagi ng Pilipinas o hindi.
BA: Anong nanyari doon?
DTH: Hindi ho siya pinakinggan.
BA: Ng Amerika?
DTH: Oho. So nung nag run ang Philippine Independence parang automatically naisama na ho kami. Kaya some of our historians would say we were illegally annexed to the Philippines. Kung titingnan ho natin no mahaba-habang period din na walang kaguluhan sa Mindanao prang slowly tinanggap na rin namin. Meron akong kaibigan na nagtanong, “Saan ba nagsimula ang gulo nung pumunta ba yung Christian Settlers sa Moro land?” And yung realization namin, kasi base sa kuwento ng mga lolo at lola namin noh, they welcomed indigenous people and the Moro people, welcomed the Christian settlers to our homeland. They established friendship, brotherhoods, sisterhoods, so siguro ang naging problema ay nasa naging polisiya ng gobyerno at administrasyon at nag resulta sa marginalization ng Moro people.
Watch now. http://tfc.tv/Episode/Details/74231/the-bottomline-with-boy-abunda-february-28-2015
Rep. Sitti Djalia-Turabin Hataman is a Kaya Natin Champion for Good Governance and Ethical Leadership. The Bottomline with Boy Abunda plays on the ABS-CBN channel with replays on Sundays at 1 pm.
No comments:
Post a Comment