![]() |
| ALS Graduation 2016 (Photo credit: Team Acosta) |
Good Morning ladies and gentlemen, to all graduates and to all visitors who are here for this one of a kind special event of our lives. It is an honor and privilege to stand here in front of you to share my experience and insights of the ALS program. But before that, I would like to first acknowledge and give thanks to our beloved Wardens and to all BJMP personnel especially to my mentors. First, our Instructional Managers-Ma'am Alm, Ma'am Joy, Sir Kit, Sir Mongas. Gusto ko ring magpasalamat sa bumuo po ng ALS program. Lalung-lalo na sa itinuturing natin na mga buhay na bayani ngayon- and mga masisipag at mababait nating mga guro mula sa Department of Education. Maraming salamat din sa aming mga service providers and donors and ALS coordinator na si Ian Monfort na siyang nag-aasikaso ng aming mga pangangailangan sa pag-aaral. At syempre nagpapsalamat din ako ng malaki sa aming assistant IM's, kina Kuya Paul, ALmer at Alex. Sila po iyong mga nagtiyaga, umnawa, nagpakumbaba na maturuan kami sa lahat ng session araw-araw. Lastly, I would like to thank the Lord above for giving me the strength and will to finish this program, without Him, everything would not be possible. Second to my beloved mother, even if she's with the Lord above. If my mother was still alive, she would be proud of me knowing that I finished my high school even though I'm here in jail, sa kanya ko inaalay and tagumpay na ito. I know she's been watching and guiding me with my struggles in life. Upon entering this institution, I didn't expect that I can finish my secondary education. At first, I was hesitant to enroll in this program, but later or maybe out of boredom, I decided to attend classes. During the course of the program, I have learned so many things in which I can apply with my life in the future. Also, I realized that having an educational attainment is like having a treasure which no one can steal.
Ang kayamanan, kapangyarihan at and iba pang mga bagay na mahalaga at magaganda ay mga mabubuting bagay na makakapagbigay sa atin ng kasiyahan. Pero hindi ito ang pinakamahalagang bagay sa buhay ng tao. Ang pinakaimportanteng bagay sa buhay ng tao ay magkaroon siya ng sapat na edukasyon na magagmit niya sa pag-unlad ng sarili at sa katuparan ng kanyang mga pangarap na nais niyang maabot sa buhay.
To my fellow boarders and passers, sa loob ng sampung buwan na ating pinaghirapan, pagtitiis, pagsisikap at pagpapahalaga sa pag-aaral. Nakamit na natin ngayon ang tagumpay na ating inaasam-asam. Sa wakas nakapagtapos na tayo ng ating sekondarya. Ito na ang simula ng ating panibagong buhay, panibagong pag-asa tungo sa ikauunlad ng ating mga sarili at sa magandang kinabukasang naghihintay. Naway hindi lamang dito nagtatapos ang lahat ng ating mga pangarap. Patuloy tayong magsikap at magpursige, mangarap tayo hindi lamang para sa ating sarili maging sa mahal natin sa buhay. Alam kong mahirap ang mga pinagdadaanan natin dito sa loob, sana'y huwag tayong mawalan ng pag-asa at manalig tayo palagi sa Diyos.
HIndi tayo narito ngayon upang parusahan, bagkus nandito tayo para pagalingin hindi sa pisikal nating karamdaman kundi sa ating mga pagkataong nabubulok, mga gawain at paniniwalang baluktot na nakakasira sa ating sarili. Narito tayo upang ihanda na maging isang mabuting tao na may takot sa Diyos, may pagmamahal sa sarili at paggalanbg sa kapwa upang maging isang mabuting ehemplo na makakpag-ambag ng kaunlaran sa kanyang pamayanan.
Minsan na tayong nagkamali, huwag na nating ulitin pa, panahon na upang imulat natin ang mga mata at isipan para sa pagbabagong buhay. Patuloy nating iisipin na ang edukasyon ay mahalaga. Ito ang solusyon at paraan upang makaahon tayo sa kahirapan. Sapat na edukasyon buhay ay giginhawa. Patuloy tayong maging mabuting ehemplo sa mga kapwa boarders na sumusunod sa patakaran hanggang kalayaang inaasam ay makamtan. Congratulations sa ating lahat. Mabuhay ang "ALS", mabuhay ang BJMP, mabuhay ang mga guro. Mabuhay at magandang umaga sa ating lahat. Keep on dreaming. God bless everyone.

No comments:
Post a Comment