Mabel Sunga Acosta

Showing posts with label speech. Show all posts
Showing posts with label speech. Show all posts

Friday, August 12, 2016

Inspirational Message (Highschool-Female) BJMP ALS Graduation

BJMP_ALS 2016 Graduation (Photo credit: Team Acosta)
Para sa ating mga kagalang-galang na panauhinna pinangungunahan ng ating Regional Director Jail Senior Superintendent  Lyndon D. Torres Sir, sa aming napakaganda at kahanga-hangang Warden, Jail Superintendent Grace Sun Taculin Ma'am, Davao City Jail Warden, Jail Superintendent Jonathan Lavapie Sir, Davao City Jail-Annex Warden, Chief Inspector Don Paredes Sir, sa ating Guest Speaker Maria Belen Acosta ng unang distrito ng Davao City ma'am, Schools Division Superintendent Maria Ines Asuncion ma'am, Chief Curriculum Implementation Division, Alma Cifra ma'am, sa ating Education Specialist II-ALS, BJMP Program In-Charge Marianita Corpuz ma'am, sa mga mahal naming mga BJMP Personnel na walang sawang nagbabantay, sa aming pinakamamahal naming mga magulang, asawa, kaibigan, mga kabakasyonista at kapwa ko magsisi-pagtapos, magandang araw sa ating lahat.

Pansamantala po naming pinahinto ang aming  oras sa loob ng kanya-kanya naming selda upang tass noo po kaming tatayo dito sa inyong harapan at magsasabing tumatanggap po kami ngayon ng diplomang nagsasaad na kami ngayon ay magtatapos ng elementarya at sekandarya.

Ako po si Hazel Villanel Asis, 35 years old, maagang nakapag-asawa at may siyam na anak. Naghiwalay kami ng aking asawa, kaya tinaguyod kong mag-isa ang aking mga supling sa paraang alam ko. Apat na taon na ang nakalipas, nakapag-asawa akong muli sa isang mabait at masipag na maybahay ngunit hindi ko alintanang masira ito, pinasok ko pa rin ang hanap-buhay na alam kong labag sa batas, matustusan ko lang ang pangunahing pangangailangan ng aking mga anak. Ngunit sa kasamaang-palad ako ay nahuli at nakulong.

Sa mga unang araw ko dito sa piitan, ang kawalan ng pag-asa ang natira kong nadarama dahil para sa akin ang aking pamilya ay isang buhay ko. Ngunit binigay sa aking ng institusyong ito ang sinag ng pag-asa. Tinuroan kami ng iba't-ibang uri ng livelihood na magagamit naming pagkakakitaan dito. At higit sa lahat dito ko nakamtan ang diploma na noon ay isa lang mithiin ata ngayon ay nasa kamay ko na. Ang diploma na nagsasabing kami ay tao at may dignidad. Diploma na nagsasabing tayong lahat ay pantay-pantay sa larangan ng edukasyon, piitan man ang aming napuntahan. Diploma na nagsasabing "Hazel" kaya mo ng makipagsabayan sa mga taong nakasuot ng uniporme, nagsusuot ng disenteng damit na dating tiningala mo. Ang diplomang ito'y, misming mga magulang kong nagsasabing "Hazel" karapatdapat ka sa iyong nakamtan ngayon, mahab-haba na rin ang hirap na iyong nilakbay.

Nang pinakilala sa akin ang "Alternative Learning System" na kilala sa lahat na "ALS", pumasok sa aking isipan na isa siyang Friendly System para sa ming hindi nakapagtapos sa kapanahunan namin. Naingganyo po akong sumubok at sa awa ni Allah natapos ang naudlot kong pag-aaral hanggang sekondarya.

Walang masisidlan ang kasiyahang aking naramdaman nang maipasa ko ito dahil alam kong hindi lang mataas na antas ang aking natapos kung di isa na rin akong degree holder ayon sa sinasaad sa Learning System na ito.

Para sa Lahat ng bumuo ng pagkatao ko ngayon unang-una ang walang kupas na sumusubaybay ng aking buhay, si "Allah" na ating kaagapay, ang mga mababait naming mga instraksyonal manager, JO1 Joy Mamoko at JO1 April Jane Marie G. Danao, ang masisipag naming assistant instraksyonal manager na si Ms. Arlene Hatico, kulang po ang salitang "salamat" na isusukli namin sa inyo, ngunit gayunpaman maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

Ako po ngayon ay punong-puno ng pag-asa, na dumating sa takdang panahon ang inilaan sa akin ni Allah, na lalabas ako mula dito, bit-bit ko ang kayamanang walang sinumang makaka-agaw sa akin nito. At kung saan man ako dadalhin ng dalawang paa kong ito, isa lang ang sigurado ako, maaliwalas, maliwanang, malinis at maka-Diyos ang buhay na naghihintay sa akin sa labas.

Gusto ko sanang ipaabot sa lahat ng mga kapwa kong bakasyonistang nagpatala sa ALS, na sana magsilbing inspirasyon ako sa inyong paglalakbay.

Thursday, August 11, 2016

Graduation Speech BJMP Inmate-Male (ALS 2016)


ALS Graduation 2016 (Photo credit: Team Acosta)

Good Morning ladies and gentlemen, to all graduates and to all visitors who are here for this one of a kind special event of our lives. It is an honor and privilege to stand here in front of you to share my experience and insights of the ALS program. But before that, I would like to first acknowledge and give thanks to our beloved Wardens and to all BJMP personnel especially to my mentors. First, our Instructional Managers-Ma'am Alm, Ma'am Joy, Sir Kit, Sir Mongas. Gusto ko ring magpasalamat sa bumuo po ng ALS program. Lalung-lalo na sa itinuturing natin na mga buhay na bayani ngayon- and mga masisipag at mababait nating mga guro mula sa Department of Education. Maraming salamat din sa aming mga service providers and donors and ALS coordinator na si Ian Monfort na siyang nag-aasikaso ng aming mga pangangailangan sa pag-aaral. At syempre nagpapsalamat din ako ng malaki sa aming assistant IM's, kina Kuya Paul, ALmer at Alex. Sila po iyong mga nagtiyaga, umnawa, nagpakumbaba na maturuan kami sa lahat ng session araw-araw. Lastly, I would like to thank the Lord above for giving me the strength and will to finish this program, without Him, everything would not be possible. Second to my beloved mother, even if she's with the Lord above. If my mother was still alive, she would be proud of me knowing that I finished my high school even though I'm here in jail, sa kanya ko inaalay and tagumpay na ito. I know she's been watching and guiding me with my struggles in life. Upon entering this institution, I didn't expect that I can finish my secondary education. At first, I was hesitant to enroll in this program, but later or maybe out of boredom, I decided to attend classes. During the course of the program, I have learned so many things in which I can apply with my life in the future. Also, I realized that having an educational attainment is like having a treasure which no one can steal.

Ang kayamanan, kapangyarihan at and iba pang mga bagay na mahalaga at magaganda ay mga mabubuting bagay na makakapagbigay sa atin ng kasiyahan. Pero hindi ito ang pinakamahalagang bagay sa buhay ng tao. Ang pinakaimportanteng bagay sa buhay ng tao ay magkaroon siya ng sapat na edukasyon na magagmit niya sa pag-unlad ng sarili at sa katuparan ng kanyang mga pangarap na nais niyang maabot sa buhay.

To my fellow boarders and passers, sa loob ng sampung buwan na ating pinaghirapan, pagtitiis, pagsisikap at pagpapahalaga sa pag-aaral. Nakamit na natin ngayon ang tagumpay na ating inaasam-asam. Sa wakas nakapagtapos na tayo ng ating sekondarya. Ito na ang simula ng ating panibagong buhay, panibagong pag-asa tungo sa ikauunlad ng ating mga sarili at sa magandang kinabukasang naghihintay. Naway hindi lamang dito nagtatapos ang lahat ng ating mga pangarap. Patuloy tayong magsikap at magpursige, mangarap tayo hindi lamang para sa ating sarili maging sa mahal natin sa buhay. Alam kong mahirap ang mga pinagdadaanan natin dito sa loob, sana'y huwag tayong mawalan ng pag-asa at manalig tayo palagi sa Diyos.

HIndi tayo narito ngayon upang parusahan, bagkus nandito tayo para pagalingin hindi sa pisikal nating karamdaman kundi sa ating mga pagkataong nabubulok, mga gawain at paniniwalang baluktot na nakakasira sa ating sarili. Narito tayo upang ihanda na maging isang mabuting tao na may takot sa Diyos, may pagmamahal sa sarili at paggalanbg sa kapwa upang maging isang mabuting ehemplo na makakpag-ambag ng kaunlaran sa kanyang pamayanan.
Minsan na tayong nagkamali, huwag na nating ulitin pa, panahon na upang imulat natin ang mga mata at isipan para sa pagbabagong buhay. Patuloy nating iisipin na ang edukasyon ay mahalaga. Ito ang solusyon at paraan upang makaahon tayo sa kahirapan. Sapat na edukasyon buhay ay giginhawa. Patuloy tayong maging mabuting ehemplo sa mga kapwa boarders na sumusunod sa patakaran hanggang kalayaang inaasam ay makamtan. Congratulations sa ating lahat. Mabuhay ang "ALS", mabuhay ang BJMP, mabuhay ang mga guro. Mabuhay at magandang umaga sa ating lahat. Keep on dreaming. God bless everyone.

Tuesday, October 27, 2015

Davao Writers Workshop

(Photo credit: Team Acosta)
As human beings, we all have our own way of expressing ourselves. May it be spoken or written, static or moving, humans have its ways. The very essence of putting our thoughts into words and letting others know is a form of liberty- freeing one's thoughts and allow it to touch others.
Panelist, guests, fellow and memebers of the Davao Writing Club with Coun. Mabel Sunga Acosta (Photo credit: Team Acosta)
While it is true that anyone can express oneself, not everyone can express it artistically and orderly. Writing in any case is a talent, a skill. It takes someone to creatively arrange the popping thoughts and ideas and put it into a whole.
Coun. Mabel Sunga Acosta posing with Tita Lacambra-Ayala and Dr. Rosario Lucero (Photo credit: Team Acosta)
Davao City, an epitome of peace and order, cradles many of the best writers in the country. The Davao Writers Guild on its 6 years format conducted the Davao Writers Workshop. It is a five-day workshop which discussed and critiqued the short stories, poems, essays and a play of 15 young fellows by a distinguished panelist. This activity aims to hone the writing skills of young writers.
Dr. Rosario Cruz-Lucero giving her keynote speech (Photo credit: Team Acosta)
Coun. Mabel Sunga Acosta delivering her Opening Message (Photo credit: Team Acosta)
The said activity was held at Lispher Inn, Juna Subdivision, Matina last October 27-31, 2015 with Coun. Mabel Sunga Acosta as an opening message speaker. With her during the opening was Keynote Speaker and guest, Dr. Rosario Crus-Lucero, editor of Encyclopedia of Philippine Arts of the Cultural Center of the Philippines. Preceding the councilor's speech was the opening remarks of DWG President Jhoanna Lynn Cruz.
The workshop is an annual event organized by the Davao Writers Guild and is sponsored by the National Commission for Culture and the Arts and University of the Philippines Mindanao. 

QUOTABLE QUOTE:

Writing means sharing. It's part of the human condition to want to share things - thoughts, ideas, opinions.- Paulo Coelho